Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

mark leviste kris a

Mas bumubuti na ngayon ang health condition ng TV Host-Actress na si Kris Aquino matapos magpagamot ng ilang buwan sa Amerika.

Ibinahagi ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang larawan ni Kris kung saan na totoong nadagdagan na ang timbang nito.

Nakasaad sa caption ni Mark sa kanyang Facebook post na kasama niya sa unang araw ng taon ang kaibigan na si Kris.

Maliban sa litrato nila ni Kris, nakasama rin ang dalawang anak ng aktres na sina Joshua at Bimby.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga fans ni Kris Aquino nang makita sa litrato sa FB na nakaka-recover na sa kanyang karamdamdam ang aktres. –sa panulat ni Jenn Patrolla

January 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CELINE DION 2023

“Don’t discredit the queen.”

Ito ang apela ng fans sa American magazine na rolling stone matapos hindi mapabilang ang Canadian singer na si Celine Dion sa listahan ng “The 200 Greatest Singers of All Time.”

Matatandaang nag-trending sa Philippine twitter ang “rolling stone” at “celine dion” kamakailan matapos ihayag ng fans ang kanilang pagka-dismaya sa nasabing listahan.

Giit pa ng fans, isa si Celine sa mga pinakamagagaling na vocalists ng henerasyon.

Samantala, nanguna naman sa ‘200 best singers of all time,’ sina Aretha Franklin, Whitney Houston, Sam Cooke, Billie Holiday, Mariah Carey, Ray Charles, Stevie Wonder, Beyoncé, Otis Redding, at Al Green.

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
jeremy renner

Nagtamo ng injury ang isa sa mga bida ng pelikulang The Avengers na si Jeremy Renner.

Ayon sa ulat, sa pagbubungkal ng niyebe noong linggo (Oras sa US) naganap ang aksidente.

Dahil sa nangyari, nasa kritikal ngunit stable na kondisyon ang aktor na nakaranas ng injuries.

Patuloy naman itong binabantayan ng kaniyang pamilya para sa agarang paggaling.

Sa ngayon, hindi pa kumpirmado ang lokasyon ng aksidente ni Jeremy, na una nang sinabi ng Reno Gazette Journal na nagmamay-ari ng isang bahay sa Washoe County, Nevada na tinamaan ng malakas na ulan ng niyebe noong bisperas ng bagong taon.

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SUNSHINE DIZON

Nilinaw ng aktres na si Sunshine Dizon na hindi umano ang kaniyang ex-husband ang laman ng kaniyang Instagram post.

Ito’y matapos magpost ng hinanaing ang aktres kung saan, kaniyang pinayuhan ang publiko tungkol sa hacking ng mga video.

Bukod pa dito, pinatutsadahan din ni Sunshine ang mga influencer na nanloloko umano ng kapwa influencers maging sa mga investor.

Wala namang tinukoy na pangalan ang aktres hinggil sa kaniyang post at iginiit na hindi ang dating asawa ang nasa post dahil mabuti at walang problema ang ama ng kaniyang mga anak.

Sa ngayon, burado na ang post ng aktres na umani ng ibat ibang reaksiyon sa mga netizen.

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CAT SAM - AUSTRALIA

Magkasamang sinalubong ng showbiz couple na sina Catriona Gray at Sam Milby sa Australia ang pagtatapos ng 2022.

Batay sa kanyang instagram post, ibinahagi ni Miss Universe 2018 ang mga larawan kasama ang kanyang pamilya at ang kanyang boyfriend.

Kamakailan lamang ay nag-post ang beauty queen ng isang larawan na may caption na “Happiest” kung saan kasama si Sam na nasa Western Australia at nagdulot ng espekulasyon na tila engage na ang dalawa.

Dinagsa naman ng komento ng kanilang mga tagahanga at ilang kaibigan sa industriya ang post.

Matatandaang, kinumpirma ng showbiz couple ang kanilang relasyon nuong May 2020.

January 2, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
sunshine 1

Umani ng ibat-ibang reaksiyon sa mga netizen ang New Year Celebration sa pagitan ng pamilya ni Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Kasunod ito ng ipinost na mga litrato ni Sunshine sa kaniyang Instagram account kung saan, kasama ng kaniyang pamilya sa pagdiriwang ng New Year ang bagong pamilya ng dating asawang si Cesar Montano.

Kasama din nila sa family celebration ang anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga.

May ilan mang nang-bash sa post ng aktres, marami paring netizen ang natuwa at sumaludo sa pagiging masaya, kalmado at open minded ni Sunshine.

Ayon sa mga netizen, isinantabi nina Sunshine at Cesar ang pagiging bitterness na isa sa mga sweetest thing na ginawa ng dalawa para sa kanilang mga anak.

January 2, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
heart chiz

Magkasamang nagdiwang ng bagong taon ang mag-asawang celebrity na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Ito’y matapos ibinahagi ng aktres sa kanyang facebook account ang larawan nilang dalawa na magkaholding hands.

Nakasaad sa caption ni Heart na “Happy 2023″.

Dahil dito, naging malinaw sa mga netizen ang usap-usapan hinggil sa paghihiwalay ng nina Chiz at Heart.

Matatandaang, pagkatapos lamang ng pasko, tinag ni Heart si Chiz sa Instagram at sinabing “See You Soon” na ikinatuwa naman ng mga fans. —sa panulat ni Jenn Patrolla

January 1, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
STEFFI ABERASTURI WEDDING

Nakipag-isang dibdib na si Miss Universe Philippines 2021 2nd runner-up Steffi Rose Aberasturi sa kanyang long-time boyfriend na si Karl Arcenas.

Ginanap ang kanilang “intimate chapel wedding” sa Cebu kahapon, December 28, 2022.

Mababatid na na-engage si Steffi noong January 23, 2022 na birthday ng kaniyang nobyo.

Aniya, hindi niya alam na siya pala ang masosorpresa.

Sinabi rin ni Steffi na sa asiyam na buwan nilang magkarelasyon ay marami na rin silang pinagdaanang pagsubok.

Saad ng beauty queen, napaka blessed nito na mayroon siyang karl sa kaniyang buhay.  —sa panulat ni Hannah Oledan

December 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OGIE DIAZ

Naglabas ng hinanaing ang Showbiz Columnist na si Ogie Diaz matapos sumirit ang presyo ng sibuyas sa bansa.

Nabatid na pumalo sa 600 piso at posible pang pumalo pa sa 700 piso ang halaga ng kada kilo ng puti at pulang sibuyas.

Sa Instagram post ni Ogie, kaniyang ikinagulat ang halaga ng sibuyas kung saan, mas mahal pa umano ito sa presyo ng karneng baboy at baka.

Humirit pa ng pabiro si Ogie, kung papaano umano gawin ang “Sinigang na sibuyas na may sahog na baboy.”

December 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Proud na ibinahagi ng celebrity mom na si Angelica Panganiban ang new skill ni Baby Amila.

Ayon sa aktres, marunong nang “Mag-Self Soothe” o kaya na nitong matulog nang mag-isa.

Naging emotional naman daw si Angelica dahil kaya na itong gawing ng kaniyang anak.

Matatandaang isinilang si Baby Amila noong September 2022.

December 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest