Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

CATRIONA GRAY CROPPED

Balik Miss Universe na sa 2023 ang 2018 Crowned Miss Universe na si Catriona Gray.

Ito ay matapos ipakilala bilang isa sa mga tatayong host ng 71st Miss Universe pageant.

Sa social media post ng pageant, ipinakilala ang mga magiging host ng Miss Universe competition kabilang ang American entertainment reporter na si Zuri Hall, Television Presenter na si Jeannie Mai Jenkins at si 2012 Miss Universe na si Olivia Culpo.

Nasa New Orleans, USA naman ngayon ang karamihan sa Miss Universe candidates kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.

Sa susunod na Sabado, January 14 ipapasa ni Harnaaz Sandhu ng India ang titulo ng Miss Universe.

Kung papalarin si Celeste, siya ang magiging ika-limang Miss Universe ng Pilipinas na huling nasungkit ni Catriona Gray noong 2018 sa Bangkok, Thailand.

January 7, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CARLO AQUINO CHARLIE

Kinumpirma na ng mismong aktor na si Carlo Aquino na nasa “dating” stage na sila ng aktres na si Charlie Dizon.

Sa isang panayam, diretsahang sinagot ni Carlo ang matagal nang tanong ng publiko kung nga ba ang real score sa kanila ni Charlie.

‘Yes’, ang sagot ng aktor sa tanong kung lumalabas na ba silang dalawa.

Pagbahagi pa nga ng singer, magkasama silang nag-celebrate noong New Year’s Eve sa La Union kasama ang kanyang pamilya.

Samantala, nang tanunging muli kung dating nga sila ay sinagot ng aktor na nasa “getting to know” stage pa lang sila.

Matatandaang kamakailan lang ng umugong ang balitang may namamagitan sa dalawa matapos mapansin ng mga netizens ang kanilang “closeness” sa larawang ibinahagi ni Charlie sa Instagram.

January 7, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SMDC FLAVORS OF THE SHORE

Kayo ba ay naghahanap ng kakaibang dining at authentic asian experience?
Halina’t magtungo sa SMDC Strip at Shore Residences kung saan maraming Asian cuisine ang naghihintay para sa inyo gaya ng one pot hot pot, trendy dimsum, kopan, true boss, winn88, mimifaso at lanson.

Matatagpuan ang SMDC strip at shore residences sa Mall of Asia sa Pasay City.

Makikita mula sa balcony ng shore residences ang magandang view ng Manila bay at pwedeng-pwede ring mag-enjoy ang mga residente at bisita dahil malapit ito sa mga grocery, pharmacy, laundry, bangko, restaurants at iba pa.

Inaanyayahan ang bawa’t isa na subukan ang authentic asian cuisine sa SMDC the strip at shore.

Siguruhing i-follow ang facebook page na www.facebook.com/smdcthestrips para sa iba pang announcement ng iba’t ibang aktibidad ng SMDC the Strip at Shore.

Shop, meet, dine and celebrate at the strip at shore!

January 6, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SMDC WIND AND CHILL

Hindi makukumpleto ang weekend getaway sa Tagaytay kung hindi mae-experience ang chill at wind ng SMDC Strip at Wind Residences.
Ang SMDC Strip at Wind Residences, na matatagpuan sa Tagaytay-Nasugbu highway ay isang magandang lugar para sa mga nais na magpunta.
Ang Chill at Wind ay mayroong unique outdoor dining at entertainment experience para sa mga residente at mga bisita.
Bawat linggo, ang Chill at Wind ay may iba’t ibang ino-offer na Asian snacks, Filipino comfort food, empanada, ramen, grilled pork at barbeques na pwedeng-pwedeng isabay sa mga refreshing drinks na may natural fruit flavors.
Bukod dito, mayroon ding iba’t ibang desserts na maaaring pagpilian tulad ng cotton candies, ice cream, waffles, at iba pa.
Makikita rin sa bawat SMDC wind tower ang mga kainan tulad ng Pizza Hut, Island Tea Co. at Dairy Queen.
Mayroon ding home essentials at convenience stores tulad ng Ace Hardware at 7/11.
Kung gusto namang mag-relax at magpaganda mayroon ding Posh Nail at Nuat Thai.
Bukas naman ang BDO para sa banking needs.
Maliban dito, welcome rin ang mga bisita ng chill at wind na maki-jamming sa acoustic performers kasama ang mga pamilya at kaibigan.
Para sa mga mahilig sa iba pang aktibidad, ang top offroad Philippines ay mayroon ding iba’t ibang rides at equipment para sa mga mahilig sa offroad adventures.
Para sa mga nais magtungo sa Tagaytay, i-follow lamang ang Facebook page na www.facebook.com/smdcthestrips para sa iba pang announcement at schedule sa chill at wind exhibit at performances.
Shop, meet, dine and celebrate here with us at the strip at wind.

January 6, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HEART CHIZ ESCUDERO

Dedma ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa isyung hiwalay na sila matapos i-post ni Heart sa kanyang Instagram account ang masayang bakasyon nilang mag-asawa sa Japan.

Sa nasabing post, iflinex ng aktres ang nakangiti nilang larawan ni Chiz habang may hawak na kape.

Una na ring ipinost ni Heart na kasama nito sa nasabing bansa ang anak na twins ng senador.

Mababatid na ilang buwan nang umuugong ang isyung hiwalayang Heart at Chiz, matapos ang pahayag ng aktres na “In Search of Happiness” siya at nang alisin nito ang Escudero sa kanyang pangalan mula sa kanyang social media pages.

Nananatili namang ‘no comment’ ang dalawa sa nasabing isyu.

January 6, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ENRIQUE GIL

Binasag na ng aktor na si Enrique Gil ang espekulasyon ng mga netizen na hiwalay na sila ng aktres at girlfriend na si Liza soberano.

Sa Instagram post ni Enrique, kaniyang ibinahagi ang mga larawan at video kasama ang aktres kasabay ng pagbati sa 25th birthday ni Liza.

Sinabi ni Enrique na hindi man sila magkasama o maaring magkahiwalay man sila ng mundo ngayon, mas lalo namang napapalapit ang kanilang mga puso.

Makikita rin sa litrato ang pagiging sweet sa isat isa ng screen couple na muli namang nagpakilig sa Lizquen fans.

January 6, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

 Magsisilbing host ng Miss Universe 2022 sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at ang American TV host na si Jeannie Mai-Jenkins.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2022 sa Ernest N. Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA sa January 14, 2023.

Matatandaang umani ng mga batikos at sangkatutak na memes ang kumalat ukol kay Olivia dahil sa umanong walang kabuhay-buhay na hosting skills sa 69th Miss Universe noong May 2021.

Samantala, magiging backstage commentator sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at American Ninja Warrior Co-Host at Access Hollywood Correspondent Zuri Hall.

January 5, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MCCOY ELLISE

Kinumpirma ng Hashtag dancer na si Mccoy De Leon na hiwalay na sila ng actress-model at partner na si Elisse Joson.

Kasunod ito ng kumakalat na screenshot private chat na galing sa isang babae na nalilink umano kay Mccoy kung saan, nakipagsagutan umano ito at iginiit na hindi siya “kabet” at hiwalay na ang dalawa bago pa sila mag-kausap ni Mccoy.

Kumalat din ang isang Tiktok video kung saan, kasama umano ni Mccoy ang iniuugnay na babae.

Sa Instagram post at story ni Mccoy, kaniyang nilinaw na hindi siya at hindi totoo ang mga convo na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon sa dancer, walang involve na ibang tao sa hiwalayan nila ni Elisse at hindi niya intensiyon na manakit o manloko ng tao.

Iginiit pa ni Mccoy na dumating lang talaga sa punto na sobrang bigat na ng kaniyang problema kaya siya sumuko sa pagsasama nila ng aktres.

Sa kabila nito, humingi ng paumanhin si Mccoy sa mga netizen partikular na ang lahat ng nadamay at nasaktan sa hiwalayan nila ni Elisse.

January 5, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CORTESI (2)

Lumipad na patungong New Orleans, Louisiana ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi para sa 71 edisyon ng Miss Universe competition.

Sa Instagram, ipinost ni Celeste ang kanyang mga larawan habang nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, kung saan suot nito ang isang all-red outfit leather coat.

Nakapaligid sa kanya ang ilang suitcase, watawat ng Pilipinas At Ang Titulong Miss Universe Philippines.

Nakatakdang idaos sa January 14 ang Miss Universe 2022 pageant sa New Orleans Morial Convention Center kung saan 85 kandidata ang maglalaban-laban para maiuwi ang korona.

January 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Belle Mariano, kasamang nagdiwang ng bagong taon ang angkan ni Donny Pangilinan

Magkahalong tuwa at kilig ang natanggap at naramdaman ng donbelle fans ngayong taon matapos makasama ni Belle Mariano ang buong angkan ni Donny Pangilinan sa pagsalubong ng bagong taon.

 Kasunod ito ng Instagram post ng pinsan ni Donny na si Gab Valenciano kung saan, kasamang nagdiwang ng bagong taon ng pamilya Pangilinan si Belle.

Ayon sa mga netizen, patunay lamang ito sa lumalalim na ang pagsasama ng screen-couple sa totoong buhay.

 Say ng ilang mga fans, obvious na talaga ang relasyon ng dalawa kaya ipinakilala na ni Donny ang si Belle sa Barangay Pangilinan.

 Matatandaang una nang sinabi ni Belle na masaya at nagpapasalamat siya na dumating at naging parte ng kaniyang buhay ang kalove-team na si Donny.

 Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon ang dalawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

January 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest