Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

GERMAN MORENO WALK OF FAME

Isinapubliko na ang mga pangalan ng mga Filipino personalities na kasama sa German Moreno Walk of Fame ngayong taon.

Kabilang sa listahan ang Filipino screenwriter, journalist, novelist, at playwright na si Ricky Lee na inductee o napabilang sa larangan ng film; inilagay naman sa Theater si Filipino stage director, film at television actor, at professor Tony Mabesa.

Napabilang naman para sa social media ang magkapatid na Ranz at Niana Guerrero; habang ang Pinay singer na Janet Basco ay napabilang para sa Music.

Nasa larangan ng Sports naman si Olympian Gold Medalist Hidilyn Diaz; sa Television category ang aktres na si Maja Salvador.

Nangunguna naman sa News & Public Affairs si Mario Dumaual at sa Radio category ang broadcaster na si Gerry Baja.

Matatandaang nagsimula ang German Moreno Walk of Fame noong December 2005 na ibinatay sa Hollywood Walk of Fame kung saan, gaganapin ang seremonya sa Enero 18, alas-5:30 ng hapon sa Eastwood City, Quezon City.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MARC LOGAN

Matapos ang 18 taon, ikinasal na ang kapamilya reporter na si Marcelo Logan Ponti Jr. o mas kilala bilang Marc Logan sa kaniyang longtime partner na si Eloisa “Lois” Diego.

Idinaos ang kasal nina Marc at Lois sa St. James the Great Parish sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City kahapon.

Dinaluhan ito ng ilang bigating mamamahayag na dati at kasalukuyang kasamahan ni marc sa industriya tulad nina korina Sanchez, Karen Davila at Ces Drilon.

Samantala, sinabi naman ni Karen na isa sa matalik na kaibigan ni Marc, na bagamat ngayon lamang nagpakasal ang dalawa ay taong 2003 pa lamang ay kinokonsidera na ni Marc at Lois ang isa’t isa bilang mag-asawa. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Ikinatuwa ni Former Batangas Governor Vilma Santos na isa na siyang ganap na certified lola sa kaniyang unang apo kina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Binigyang diin ng aktres na “It’s heaven” habang nakikita ang kanyang apo ng 5 beses kada araw sa videocall nila ni Luis.

At sinabi nitong iba talaga sa pakiramdamdam bilang momshie.

Isiniwalat ni vilma na isinilang si “Peanut” na apo nito noong December 28 at masaya siyang nakikitang nagpapa-breast feed ang kanyang manugang na si Jessy. - sa panunulat ni Jenn Patrolla 

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DOLLY DE LEON

Nakarating na sa Los Angeles, California ang batikang Pinay-actress na si Dolly de Leon para dumalo sa isang event.

Ito’y matapos maging nominado sa 80th Golden Globe Awards si Dolly bilang best supporting actress para sa comedy-drama film na “Triangle of Sadness.”

Nabatid na nito lamang linggo, nagsagawa ng send-off party ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para kay De Leon sa San Juan City kasama ang malalapit nitong mga kaibigan at ka-trabaho.

Ayon kay De Leon, sakaling hindi palarin na makakuha ng award sa naturang patimpalak, sapat na para sa kaniya na napabilang sa international nomination.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MMFF 2022

Aabot sa P500M ang kinita ng Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.

Ayon kay MMDA at MMFF Overall Chairman, Atty. Romando Artes, kinita nila ang nasabing halaga sa walong pelikulang kalahok.

Kabilang sa mga pelikulang pumatok sa takilya ay ang Deleter, Family Matters, Labyu with an Accent at Partners in Crime.

Samantala, inanunsyo rin ni Artes na extended ang pagpalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF hanggang sa Ene. 13, 2022.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Muling nagkakasama ng Mara-Clara Stars na sila Gladys Reyes at Judy Ann Santos sa 7th birthday ng anak nila ni Ryan Agoncillo na si Luna.

Bago magtapos ang nasabing event ay na-corner ni Gladys si Juday upang mag-tiktok “Due to insistent public demand!”

Kasalukuyang active sa pagpo-post ng challenges at dance videos si Gladys sa kanyang social media accounts, kung kaya’t dininig nito ang hiling ng kanilang fans.

Nabatid na almost 5 years nang hindi nagkikita ang dalawa kaya naman game na game na kumasa ang dalawa sa nasabing challenge.

January 9, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Wagi ang aktres na Nadine Lustre sa kanyang pelikulang ‘Deleter’ na entry sa 2022 Metro Manila Film Fest (MMFF) .

Nabatid na base sa unofficial figures umabot na sa P 234 -M ang nakuhang gross sales ng naturang pelikula.

Malayo ito sa pumangalawang movie na ‘partners in crime’ nina Vice Ganda at Ivana Alawi, na mayroon namang total gross na P168-M.

Samantala, bukod sa pagiging best actress ni Nadine, ang ‘deleter’ din ang nakasungkit ng ‘best picture’ award, dagdag pa ang best editing, best cinematography, best visual effects, best sound at best director na nakuha naman ni Mikhael Red.

January 9, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MATET NORA

Nagkaayos na matapos ang naging tampuhan sa pagitan ng mag inang sina Matet De Leon at Superstar Nora Aunor.

Kasunod ito nang balitang magkakompitensya ang mag ina kung saan, Gourmet Tuyo ang negosyong hawak ni Nora habang tinapa business naman ang pinapatakbo ni Matet.

Sa youtube live ni Matet noong Sabado, kaniyang iginiit na nagkaayos na sila ng kaniyang ina at wala nang tampuhan sa kanilang dalawa.

Ayon kay Matet, si Nora ang mismong lumapit sa kaniya para makipag-ayos kung saan, matapos ang bagong taon ay nag-chat sa kaniya ang kaniyang ina.

Iginiit naman ni Matet na normal lang sa pamilya ang magkatampuhan pero maraming posibleng kahihinatnan ang pagkakaroon ng galit at hinanakit sa sarili.

January 9, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHRIS EVANS ALBA BAPTISTA CAPTAIN AMERICA

Instagram official na ang ‘Captain America’ star na si Chris Evans at aktres na si Alba Baptista.

Ito’y matapos i-post ng 41-year-old actor sa IG ang video compilation ng 2022 moments nila ng kanyang 25-year-old Portuguese Girlfriend.

Makikita sa video na ginugulat nila ang isa’t isa at bigla na lamang magtatawanan sa walong magkakaibang okasyon.

Una nang umugong ang balita na isang taon nang nagdi-date ang dalawa at boto rin ang pamilya ni Chris kay Alba.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang dalawa kaugnay sa estado ng kanilang relasyon.

January 9, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
legaspi

Dumalo sina Kyline Alcantara at Kapamilya singer-actor Darren Espanto sa birthday party ng kambal na sina Cassy at Mavy Legazpi.

Ito’y matapos ibinahagi sa instagram posts ni Carmina Villarroel ang mga larawan ng kanilang pamilya kasama sina Kyline at Darren kalakip ang pagbati nito sa mga anak.

Mababatid na nali-link si Mavy kay Kyline habang si Darren naman kay Cassy.  —sa panulat ni Jenn Patrolla

January 8, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest