Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

Celeste Cortesi nagpakitang gilas sa swimsuit portion ng  #71stMissUniverse preliminary competition

Pasok sa top pick ng 2 pageant experts si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi.

Batay sa impormasyong inilabas ng missology at sash factor, gumagawa ng ingay sa loob ng pageant community si Celeste kung saan isa umano siya  sa frontrunner na pagiging susunod na Miss Universe.

Sa missology, si Celeste ay niranggo sa ikalawang puwesto ng ranking at mas mababa kay Miss Universe Venezuela Amanda Dudamel.

Kasama sa listahan ng missology sina Miss Curacao, Miss Dominican Republic, Miss Puerto Rico, Miss Usa, Miss Colombia, Miss Thailand, Miss Jamaica, Miss Mexico, Miss Aruba, Miss Italy, Miss Germany, Miss South Africa, Miss Peru, at Miss Bahrain.

Samantala, inilagay naman ng Miss Universe 2022 final sashpick ng sash factor si Celeste sa ikatlong puwesto kasunod ng Venezuela at Colombia na nasa una at pangalawang puwesto.

Ngayong araw (oras sa New Orleans, Louisiana), nakatakda ang coronation night ng Miss Universe 2022 kung saan 83  kandidata ang makakalaban ni Celeste para sa korona.

January 15, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NADINE 2

Handa na si Nadine Lustre na sumabak sa iba pang proyekto.

Matapos ito na pumatok sa takilya ang MMFF entry na “Deleter” na pinagbidahan niya.

Ibinahagi rin ng aktres na masaya siyang naabot niya ang punto ng kaniyang career kung saan maaari siyang mamili ng sariling proyekto at may freedom o kalayaan na magsabi ng “hindi” at “tumanggi.”

Samantala, dahil sa tagumpay ng Deleter na isang horror/suspense movie, binansagan si Nadine na bagong horror queen.

January 14, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MISS UNIVERSE

Nakatakdang koronahan bukas ang magwawaging Miss Universe 2022.

Magaganap ito sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana, United States, alas-9 ng umaga bukas, oras sa Pilipinas.

Pinakaaabangan naman ng M.U. fans ang magaganap na pagpasa ni Harnaaz Sandhu, Miss Universe India 2021, ang korona sa kaniyang successor.

Kabilang naman sa mga magpe-perform ay sina Big Freeda, Amanda Shaw, Yolanda Adams, Tank at the Bangas na siyang haharana sa nasa 84 contestants. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 14, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MCCOY - ELISSE

Usap-usapan ngayon na nasa Batangas ang aktor na si Mccoy De Leon matapos nitong hindi magpakita sa isang event ng pelikula nila na “Deleter” ni Nadine Lustre.

Na-ispatan umanong kasama ni Mccoy ang kanyang ex-partner na si Elisse Joson para plantsahin ang gusot sa kanilang relasyon.

Una nang na-headline ang hiwalayang McLisse matapos itong kumpirmahin ni Mccoy, kung saan nadawit ang isang influencer na siya umanong dahilan nito. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 13, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Untitled design

Ikinatuwa ng mga netizen ang pagiging natural ng star for all season na si Vilma Santos.

Kasunod ito ng Youtube vlog ng aktres kung saan, nadapa sa intro si ate V pero hindi ito nagpaawat at nagpatuloy lang sa pagvivideo.

Ayon sa mga netizen, naghatid ng goodvibes sa mga viewers ang pagiging totoo, makulit, at masayahin ni vilma.

Bukod pa dito, nainspired din ang mga netizen dahil ipinapakita ni ate V ang pagmamahal at pagiging mabuting ina, asawa, kaibigan, aktres at politician nito dahilan ng strong relationship ng kaniyang pamilya.

January 13, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Celeste Cortesi nagpakitang gilas sa swimsuit portion ng  #71stMissUniverse preliminary competition

Nagbunga ang ilang buwang pasarela training ni Celeste Cortesi dahil sa ipinamalas nitong galing sa pagrampa sa Miss Universe preliminary competition sa New Orleans, Louisiana.

Proud na inirampa ni Celeste ang pink nitong bikini at puting cape na may makukulay na handprints.

Ayon sa Miss Universe Philippines, ang personalized cape na suot ni Celeste ay sumasalamin sa boses ng mga kabataan na nangangailangan ng tulong at nais aniya itong dalhin ng kandidata sa Miss Universe stage.

Maliban sa swimsuit round, isasagawa rin ngayong araw ang national costume competition na maaaring mapanood sa pamamagitan ng app.

Nakatakdang idasos sa Enero a-15 dakong alas nuebe ng umaga, oras sa Pilipinas ang coronation event ng 71st Miss Universe competition.

January 12, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Kim Domingo nagpadala ng food cart kay Korean actor Cha Eun-woo

Food cart lang pala ang kailangan para makasingit!

Ito ang naging reaksyon ng netizens matapos magpadala ni Kapuso Actress Kim Domingo ng coffee at food cart kay Korean actor Cha Eun-Woo.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ito sa aktor sa patuloy na pag-iinspire nito sa kaniyang mga fans.

Bilang tugon nag-reply naman si Eun-Woo at nagpasalamat sa kind gesture ng aktres.

Sa caption sinabi ni Eun Woo, “I ate the delicious coffee, tea and so-tteok so-tteok and croffle really well.”

Mababatid naman na karaniwan sa South Korea ang magpadala ng food cart sa mga filming site bilang pagpapakita ng appreciation para sa production members at artists. – sa panulat ni Hannah Oledan

January 12, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
olivia culpo

Idinaan sa pang-ookray ni Miss Universe 2012 Olivia Frances Culpo, ang iba’t-ibang komento ng kaniyang mga basher.

Kasunod ito ng pambabash ng kaniyang mga basher dahil sa tila mababa ang enerhiya ni Culpo sa kaniyang paghohost noong Miss Universe 2021.

Ayon sa mga basher, kailangang magkaroon ng mataas na energy ng beauty queen para sa kaniyang hosting stint sa Miss Universe 2022 coronation night na nakatakdang isagawa sa January 15.

Agad namang rumesbak si Culpo at sinabing handa siyang uminom ng energy drink para makapagre-charge.

January 12, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Balik number 1 spot ang kanta ni taylor swift na “anti-hero” sa billboard hot 100.

Ayon sa billboard nakakuha ng 83.8 million radio airplay audience impressions, 17.2 million streams at 6,000 units sold mula December 30, 2022 hanggang January 5, 2023 ang naturang kanta.

Mababatid na pinalitan nito ang pamamayagpag noong holiday season ng kanta ni Mariah Carey na “All I Want for Christmas is You”.

Samantala, kapantay na nito ang kanta rin ng 33- anyos na singer-songwriter na “Blank Space” na may pinakamaraming bilang ng pagiging numero uno sa billboard hot 100.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DOLLY DE LEON

Bigong maiuwi ng Filipina Actress na si Dolly de Leon ang Best Supporting Actress Award sa 80th Golden Globe Awards sa Los Angeles, United States.

Nasungkit naman ni Angela Bassett na bumida sa “Black Panther: Wakanda Forever” ang Best Supporting Actress in a Motion Picture.

Una rito, sinabi ni de Leon na itinuturing niyang achievement ang kanyang nominasyon at nagbukas aniya ito ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.

Ngunit higit aniyang mahalaga dito ang hangarin niyang maging mas mahusay na aktor at bilang isang tao.

Maliban sa nominasyon sa Golden Globes, nominado rin si Dolly sa Best Supporting Actress Category ng London Film Critics Circle, San Francisco Bay Area Film Critics Circle, at kasama rin siya sa listahan ng Best Supporting Actress sa 2023 British Academy of Film and Television Awards, at 57th National Society of Film Critics sa Amerika.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest