Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

DOLLY DE LEON

Muling nakatanggap ng parangal ang Filipina Actress na si Dolly De Leon para sa pagganap niya bilang Abigail sa pelikulang “Triangle of sadness.”

Nanalo si De leon ng best actress sa kaniyang supporting role sa Guldbagge Awards.

Maliban sa award, nasungkit ng nasabing pelikula ang best movie, best direction, best costume design at iba pa.

Nabatid na ginanap ang naturang awarding ceremony sa Sirkus sa Stockholm, Sweden.

January 24, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DREW - IYA BABY NO 5

Usap-usapan ngayon sa social media ang panunukso nina Drew Arellano at Iya Villana sa kanilang mga followers na tila mayroon na silang baby number 5.

Sa ibinahaging video sa instagram account ni Iya, maririnig sa kanilang dub ang ilang linya mula sa “Ocean’s Eleven” movie.

“Do you think we need one more?”

“All right, we’ll get one more.”

Sa isa pang video, nilinaw binasag naman ni Iya ang isyu na hindi siya buntis, sadyang nakaka-adik lang umano ang mga bagets.

Matatandaang noon lamang June 4, 2022 nang isilang ni Iya ang kanilang baby no. 4 na si Astro Phoenix. —sa panulat ni Jam Tarrayo

January 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALEX GONZAGA

Nagkalat na sa social media ang testimonya ng mga dating nakatrabaho ng artist/vlogger na si Alex Gonzaga matapos ang kaniyang viral video sa araw ng kanyang birthday kamakailan.

Pinagpiyestahan ng mga netizen ang post ng mga naging co-worker ni Alex na tila pruweba na hindi sila masayang nagkaroon ng proyekto kasama ang aktres.

Mariing sinabi ni @xtiantuzon_ na nag-violate daw ang aktres ng kontrata, tinanggihang harapin ang consequences, binaliktad pa ang sitwasyon at idiniin na sila pa ang may mali.

Sinabi pa ng twitter user na “trashy” daw talaga ang ugali ng aktres.

1

Dagdag pa ng aktor na si Reb Atadero, kung wala ka daw pangalan sa industriya, hindi ka rin para bigyan ng basic respect ni Alex.

2

Isa rin sa mga nagpatutsda ang podcaster at columnist na si Ceej Tantengco na inadjust pa umano ang call time ng kanilang shooting dahil lamang sa hindi morning person ang aktres.

3

Ayon naman sa production designer na si KL, totoo daw ang rumors laban sa aktres at iginiit na bastos daw talaga ang aktres.

4

Matatandaang marami ang nadismaya sa ginawang pagpahid sa noo ng chocolate icing ni Alex Gonzaga sa isang waiter na may hawak ng kanyang birthday cake. —sa panulat ni Jam Tarrayo

January 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
POKWANG

Ipinagtanggol ng komedyanteng si Pokwang ang anak na si Malia laban sa mga basher nito sa social media.

Ito’y matapos magpost ng birthday picture ang ex-partner ng aktres at ama ni Malia na si Lee O’Brian.

Dito na inokray ng i1sang netizen ang buhok ni Malia kung saan nagbigay pa ito ng payo kay Pokwang.

Hindi naman pinalagpas ng aktres ang pambabash ng netizen at sinabing normal lang sa mga bata ang pagkakaroon ng scruffy o magulong buhok dahil hindi naman sila pang display.

Sinabihan din ni Pokwang ang naturang basher na “pakialamera” dahil kahit hindi magsuklay ng buhok si Malia ay maganda ang kaniyang anak.

January 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DUA LIPA

Magsisilbing host ng Met Gala ngayong taon ang British singer na si Dua Lipa at tennis legend na si Roger Federer.

May tema itong ”In Honor of Karl” na nakatuon sa yumaong fashion icon na si Karl Lagerfeld.

Si Karl ang top designer ng Chanel, Fendi, Balmain at Chloe gayundin ng kanyang sariling label.

Nakilala rin si Karl sa kanyang dark suits, pony-tailed white hair at sunglasses.

Ibibida sa ”Karl Lagerfeld: A Line of Beauty,” ang 150 pieces ng kanyang design gayundin ang kanyang sketches.

Maliban kay Lipa at Federer, kasama rin sa mga magiging host ng gala ay sina Penelope Cruz, Michaela Coel at Vogue editor-in-chief na si Anna Wintour.

January 19, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DENIECE - VHONG

Nagpatutsada si Deniece Cornejo sa ”comeback” ni Vhong Navarro sa isang noontime show noong Lunes, January 16, 2023.

Ibinahagi ng model sa kanyang facebook account ang teaser ng noontime show at may caption na #ryhmeswithwrong.

Matatandaaang pansalamantalang nakalaya si Vhong mula sa 4 na buwang pagkakakulong dahil sa kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa ni Deniece noong 2014. —sa panulat ni Jam Tarrayo

January 17, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Anne Jakrajutatip

Inulan ng batikos ng mga netizens ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip.

Kasabay ito ng katatapos lamang na pagdaraos ng Miss Universe 2022 kung saan kinoronahan ang pambato ng United States of America na si  R’Bonney Gabriel .

Ayon sa mga netizens, ginagamit lang umano ni Anne ang Miss Universe Organization para sa sariling kapakanan na karapatan naman niya bilang bagong may-ari.

Nabatid na bago ginanap ang Preliminary Swimsuit Competition ng 71st Miss Universe nitong January 11, nauna na si Anne na mag-post sa social media accounts nito ng kanyang two-piece swimsuit photos.

Dahil dito, inakusahan siyang nakikipagkumpitensiya sa mga kandidata.

Hindi naman apektado si Anne ng mga lantarang naninira sa kanya.

January 16, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
catriona gray

Nagbigay ng encouraging message si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa mga beauty queen na hindi pinalad at mga fans na nadismaya sa naganap na Miss Universe 2022 kahapon.

Ito’y matapos hindi makapasok sa top 16 ang ilang mga bansa na inaasahang makakaabot sa grand finals kabilang na ang Thailand, Indonesia, Mexico at Pilipinas.

Sa naging pahayag ni Cat, naiintindihan niya ang lungkot at pagkadismaya ng mga kandidata lalo na ang mga tagahanga at tagasuporta ng iba’t-ibang mga bansa dahil alam niya kung papaano mabigo sa isang kompetisyon.

Hinikayat ni Cat ang lahat na maging positibo dahil marami pang panahon na maaaring makabawi ang mga natalong kandidata sa susunod pang mga taon.

Matatandaang itinanghal bilang miss universe 2022 ang pambato ng usa na si R’bonney Gabriel, na isang half-pinay, kung saan, naging masaya rin ang kapwa mga pilipino sa nasungkit nitong korona.

Ayon sa mga netizen, hindi man nanalo sa naturang pageant si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi, hindi ito gaanong masakit at nakaapekto dahil may dugong pinoy parin ang nakapag-uwi at nakasungkit ng korona na isa paring karangalan para sa Pilipinas.

January 16, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
R'bonney Gabriel

Kinoronahan si R’bonney Gabriel mula sa bansang America bilang Miss Universe 2022 sa Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana.

Siya ang nagmana sa “force gor good” crown ni mouawad na unang isainuot ni harnaaz sandhu ng india na kinoronahang miss universe 2021.

Tinanghal naman na 1st at second runner-up ay sina Amanda Dudamel ng Venezuela at Andreína Martínez ng Dominican Republic.

Samantala, bigo namang makapasok sa top 16 ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortezi.—mula sa panulat ni Hannah Oledan

January 15, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CELESTE

Bigo ang pambato ng Pilipinas na si Celesti Cortesi na makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022 na ginanap sa New Orleans, Louisiana USA.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi nakapasok ang Pilipinas sa semi-finals ng nasabing patimpalak.

Gayunpaman, pasok pa rin sa kompetisyon ang bansang Puerto Rico, Haiti, Australia, Dominican Republic, Laos, South Africa, Portugal, Canada, Peru, Trinidad And Tobago, Curacao, India, Venezuela, Spain, Usa at Colombia. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon

January 15, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest