Sa Pasay City piniling ipagdiwang ni Vice President Jejomar Binay ang kaniyang ika-73 kaarawan.
Nagsimula ang kaniyang aktibidad sa isang misa sa Sta. Clara de Montefalco Parish saka tumungo sa mga residente ng Barangay 60 sa bahagi ng Tramo.
Doon nagkaroon ng isang boddlefight kasama ang iba pang opisyal at residente ng mga Barangay 60, 61 at 62.
Kasamang nakipag-boodle fight ni Binay ang kaniyang running mate na si Senador Gringo Honasan gayundin ang senatoriable at batikang brodkaster na si Rey Langit.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)