Nagbigay ng 10 araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health at Department of Budget and Management para mabayaran ang mga naantalang benepisyo ng mga health workers sa bansa.
Pero, dismayado pa rin ang ilang health care workers, sigurado sila na hindi maganda ang magaganap dahil galit na ang mga ito lalo’t kailangan pa nilang ipaglaban ang kanilang mga benipisyo at tila sila pa ang iniipit nito dahil sa deadline ng listahan ng mga eligible health workers.
Kagaya na lamang ni nurse Jaymee na nagkaroon ng COVID-19 noong marso.
Aniya, hindi pa niya natatanggap ang P15K na compensation ng dahil sa pagkakaroon ng naturang sakit.
Ayon sa DBM, nasa P311 milyon ang hinihingi ng health department para sa higit 20K na health workers.—sa panulat ni Rex Espiritu