Umapela ng pasensya at pang-unawa si PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez sa publiko.
Kaugnay ito sa ipatutupad nilang mahigpit na seguridad para sa 20 heads of state sa panahon ng APEC Summit.
Sinabi ni Marquez, may mga protocol silang sinusunod lalo na sa pagbibigay seguridad kaya’t makapagdudulot ito ng malaking abala sa publiko partikular sa Metro Manila.
Tinukoy ni Marquez ang mga sinasabing abala tulad ng plastic barriers na nakalatag sa outermost lane ng north at southbound ng EDSA mula Shaw Blvd. hanggang Taft Avenue.
Giit pa ni Marquez, minsan lamang sa loob ng 20 taon magho-host ang Pilipinas sa nasabing okasyon kaya’t dapat ipakita ng lahat ang kanilang pakikiisa.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal