Nananatiling positibo naman ang mayorya ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan, 72 porsyento ng mga respondents ang nagsabing umaasa sila na magiging maganda ang kanilang pagdiriwang ng Pasko.
Pitong (7) porysento naman ng mga tinanong sa survey ang nagsabing malungkot ang kanilang Pasko habang 20 porsyento ang nagsabing sakto lang ang pagdiriwang ngayon.
Ito na ang highest christmas score ng SWS sa loob ng 12 taon mula noong 2003 na nakakuha ng 75 puntos.
Ginawa ang survey mula Disyembre 5 hanggang 8 na binubuo ng 1,200 mga respondents.
By Jaymark Dagala