Gugunitain sa pamamagitan ng kilos protesta ng mga mamamahayag ang ika-6 na anibersaryo ng Maguindanao massacre bukas, araw ng lunes.
Sinabi sa DWIZ ni Dating National Press Club President Benny Antiporda na magkakaroon ng wreath laying para sa mga nasawing media sa NPC headquarters at pagkatapos ay magmamartsa patungo sa Mendiola.
Magsusuot ng kulay pulang t-shirt ang mga magmamartsang media na may nakasulat na “sinungaling ka!” Bilang tanda ng kanilang galit sa kawalan pa rin ng katarungan para sa mga biktima.
Sinabi ni Antiporda na hanggang salita lamang ang gobyerno dahil kahit konting tulong ay wala naman umanong naiabot sa pamilya ng mga biktima ng karumal-dumal na massacre.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)