Hindi nababahala ang Malacañang sa pagbaba ng net satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa survey ng Social Weather Stations o SWS.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat 11 puntos ang ibinaba ng satisfaction ratrings ng Pangulo, maituturing pa ring good ang positive 45 na mas mataas aniya kumpara sa kaparehong panahon na nakuha ng mga dating pangulong sina Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Noynoy Aquino.
Sa kabila ng mga numero, sinabi ni Roque na pursigido ang Pangulo at kanyang administrasyon na tuparin na mabibigyan ng maayos na pamumuhay ang bawat Pilipino.
Sa katunayan, doble kayod aniya ang malajanyang sa pagtatrabaho para mabigyan ng komportablelng pamumuhay ang mga mamamayan, mapalago ang ekonomiya at malabanan ang korupsyon, kriminalidad at iligal na droga.
—-