Ilan pang opisyal ng Department of Transportation at attached agency nitong Metro Rail Transit Line 3 ang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon sa DOTr, opisyal nang umupo sa pwesto si Jorjette Aquino bilang Assistant Secretary for Railways ng kagawaran.
Nanumpa naman bilang MRT-3 General Manager si Federico Canar, Jr. at Engr. Oscar Bongon bilang bagong Director of Operations ng MRT-3.
Magugunitang itinalaga si Bongon bilang officer-in-charge ng MRT-3 noong Hulyo.
Pinangasiwaan naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang oath-taking ceremony ng mga bagong talagang opisyal.