Ipinagmalaki ni Agriculture Secretary William Dar ang ipatutupad na dagdag-pautang ng ahensya sa mga magsasaka.
Ayon sa kalihim, ang mga magsasaka ay maaring makakuha ng P15,000 bawat ektarya kung ang sinasakang lupa ay hindi lalagpas sa isang ektarya.
Meron tayong loan assistance para sa rice farmers na nagsasaka ng 1 hectare or below. P15,000 per hectare, 0%, payable in 8 years,” ani Dar.
Dagdag pa ng kalihim, wala pang naipapatupad na ganitong klase ng loan assistance sa mga magsasaka ang kaniyang ahensya.
Magsisimula ang pautang sa unang araw ng buwan ng Setyembre ngayong taon.
Balitang Todong Lakas Interview