Pinalawak pa ng DOH o Department of Health ang sakop ng kanilang programang libreng anti-cervical cancer vaccine sa mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan.
Target ng DOH na bigyan ng bakuna kontra cervical cancer ang mga batang babae na may edad 9 hanggang 12 anyos mula sa 47 mga lalawigan sa buong bansa.
Inaasahan naman ng DOH na aabot sa 700,000 mga mag-aaral ang makikinabang sa nasabing programa na layuning makaiwas ang mga batang babae mula sa cervical cancer na sanhi ng HPV o Human Papilloma Virus.