Sanib puwersa ang mga awtoridad sa pag-verify sa bomb threat na natanggap ng isang ahensya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Inabot ng mahigit apat na oras ang paggalugad ng mga awtoridad matapos ang nasabing bomb threat na idinaan sa text message.
Kaagad namang idineploy ang bomb disposal team sa paligid ng NAIA bilang precautionary measure.
Nagtulung-tulong ang PNP Aviation Security Group, airport police at maging PDEA para mahigpit na bantayan ang buong NAIA.
By: Judith Larino / (Reporter No. 45) Raoul Esperas