Aabot sa 400,000 Filipino seafarers ang nanganganib mawalan ng trabaho sa bansa.
Ito ay matapos magsagawa ng audit ang European Maritime Safety Agency (EMSA), kung saan nakasaad na hindi sumusunod ang Pilipinas sa mga internasyonal na pamantayan sa kaligtasan ng maritime.
Ang EMSA ang naatasan upang bawasan ang panganib ng mga aksidente sa dagat, polusyon sa dagat mula sa mga barko at pagkawala ng mga manggagawa.
Noong 2022, unang tinukoy ng EMSA na ang pagsasanay at sertipikasyon sa mga institusyong pang-maritime na edukasyon sa Pilipinas ay kulang sa mga alituntunin na ipinag-uutos ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.
Dahil dito, posibleng tanggalin ang Pilipinas sa “white list” ng International Maritime Organization ng mga bansang may seafarer employability.