Ilulunsad na rin ang Oplan Tokhang sa iba’t ibang subdivision sa Quezon City, simula sa ikatlong linggo ng Setyembre.
Ayon kay Quezon City Police District Director, Senior Supt. Guillermo Eleazar, nasa 90 subdivision ang kanilang papasukin bilang bahagi ng pinaigting na anti-illegal drugs campaign.
Ito anya ang napagkasunduan nila ng Alliance of Quezon City Homeowners Associations Incorporated.
Umaasa naman si Eleazar magbibigay ng mga tama at sapat na impormasyon ang mga homeowner bago ilunsad ang “oplan tokhang” sa kani-kanilang komunidad.
Kabilang sa mga kilalang subdivision na matatagpuan sa lungsod ang Greenmeadows, Blue Ridge, White Plains at La Vista Pansol.
By: Drew Nacino