Home NATIONAL NEWS Comelec, nagbabala laban sa fake news tungkol sa 2026 BSKE

Comelec, nagbabala laban sa fake news tungkol sa 2026 BSKE

by DWIZ 882 October 26, 2026 0 comment
comelec-vote12-1024x738

Ibinabala ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkalat ng pekeng impormasyon tungkol sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026.

Kasunod ito ng isang Facebook post na nagsasabing matutuloy ang eleksyon at magsisimula ngayong araw, October 26, ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy.

Gayunman, nilinaw ng Comelec na walang BSKE na magaganap sa taong ito sa ilalim ng umiiral na batas, kaya wala ring nakatakdang pagsusumite ng COC sa nasabing petsa.

Ayon sa Comelec, maglalabas lamang ito ng opisyal na schedule ng pagsusumite ng COC at iba pang aktibidad kaugnay ng halalan kapag may nailabas nang mga resolusyon at opisyal na pahayag.

Ipinaalala ng Comelec na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, na nagpapahaba sa termino ng mga opisyal ng barangay at SK mula apat na taon tungo sa limang taon at naglilipat sa 2028 ang susunod na BSKE.

Bagama’t may mga petisyong humahamon sa batas sa Supreme Court, wala pa umanong utos ang Mataas na Hukuman na pumipigil sa pagpapatupad ng naturang batas. | Sa panulat ni Jordan Gutierrez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment