Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa Office of the President (OP) kaugnay sa magiging pasya ng gobyerno sa nakatakdang pagtatapos ng Covid-19 State of Calamity sa December 31.
Inihayag ni DOH officer-in-charge, USec. Maria Rosario Vergeire na nagsumite na sila ng Memo kaugnay sa kanilang mga rekomendasyon sa O.P.
Pinag-usapan na anya nila ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga posibleng maging panibagong paraan ng pagharap sa Covid-19 pandemic.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng kagawaran ang magiging tugon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa kanilang mga rekomendasyon.