Tulad ng inaasahan, welcome para kay senador Risa Hontiveros ang pag-isyu ng arrest order laban kina dating Presidential Spokesman Harry Roque at Cassandra Ong dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Binigyang-diin ni Senador Hontiveros na marapat lamang na maibalik na sa pilipinas si Atty. Roque at harapin ang kaso nito.
Nabatid na nag-isyu na ng arrest order ang Angeles City Regional Trial Court laban kay Atty. Roque, Ong, at siyam na iba pa dahil sinasabing human trafficking na naganap sa Porac POGO hub na Lucky South 99. —sa panulat ni John Riz Calata