Nasira ang automated counting machine sa Marawi City matapos ito buhusan nang tubig ng isang poll watcher.
Batay sa ulat, tumakas ang nasabing poll watcher ng dumating ang mga otoridad sa nasabing lugar.
Kinumpirma naman ng technician mula sa commission on elections na nasira ang nasabing ACM.
Ang nabanggit na ACM ay nakatakda sana para sa apat na pinagsama-samang polling precinct para sa mga evacuees ng marawi siege sa Barangay West at Barangay Sagonsongan.
Pansamantala namang nahinto ng ilang minuto ang pagboto ng ilang botante bago ang pagdating ng pamalit na ACM sa lugar.