Magbibigay serbisyo na sa publiko ang DITO telecommunity simula ika-8 ng Marso.
Ayon kay DITO Technology Chief Officer Adel Tamano, unang magiging commercial ang telco sa Davao at Cebu.
Maituturing aniya sentimental ang pagbubukas ng DITO sa Mindanao dahil doon nagsimula ang kumpanya.
Inaasahang unang mabibigyan ng serbisyo ng DITO ang 17 siyudad at munisipyo sa Visayas at Mindanao.
Ang DITO ang ikatlong telco player na mag-o-operate sa bansa.