Isinailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang lungsod ng Tuguegarao.
Ito’y makaraang aprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao na pairalin ang GCQ sa lungsod.
Nagsimulang ipatupad ang naturang quarantine status nitong hatinggabi ng Pebrero 4 at magtatapos sa hating-gabi ng Pebrero 10.
Sa pahayag na inilabas ng Tuguegarao City Information Office, layon ng naturang hakbang na makapag-operate ang iba’t-ibang negosyo sa lungsod.
Kasunod nito, giit ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao na mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.