Mananatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Lanao Del Sur kabilang na ang Marawi City.
Batay ito sa inaprubahang bagong community quarantine classification ni Pangulong Rodrigo Duterte alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Gayundin, patuloy ding sasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, lalawigan ng Batangas at mga lungsod ng Tacloban, Bacolod, Iligan at Iloilo.
Habang isinailalim sa pinakamaluwag na community quarantine o sa MGCQ ang natitirang 98 pang mga probinsiya sa bansa.
Epektibo ang bagong community quarantine classification sa loob ng isang buwan o mula ika-1 hanggang ika-31 ng Oktubre.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na tatagal na lamang hanggang Miyerkules, ika-30 ng Setyembre, ang idineklarang MECQ sa Iloilo City noong nakaraang linggo.