Bumaba ang trust ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikatlong quarter ng taon.
Batay sa isinagawang survey ng ng Social Weather Stations, 57% ang nagsabing naniniwala sila sa pangulo.
Mas mababa ito ng pitong puntos mula sa 64% noong Hunyo.
Kaugnay nito, tumaas sa 25% ang bilang ng mga hindi naniniwala kay Pangulong Marcos mula sa 21% noong Hunyo.
Samantala, tumaas din ang undecided respondents sa 17% mula sa 14%.