Nananatiling tikom ang bibig ni Vice President Sara Duterte sa hinihinging paliwanag ng kamara hinggil sa paggastos nito sa confidential fund ng Department of Education nuong sya pa ang kalihim nito.
Ito ayon kay House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, jr. ay kaya’t napipintong irekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang paghahain ng kasong plunder o pandarambong laban sa pangalawang pangulo.
Kasunod na rin ito nang pagtukoy ni Deputy Speaker Gonzales sa 112.5 million peso confidential fund ng DepEd sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara.
Lumabas aniya sa pagdinig ng kamara na ang nasabing pondo ay na withdraw sa magkakahiwalay na tseke na nasa 37.5 million pesos bawat isa at inisyu sa special disbursing officer ng DepEd na si Edward Fajardo.
Muling kinuwestyon ni Deputy Speaker Gonzales ang aniya’y kawalan ng documentation sa mga nasabing mahahalagang transaksyon na higit pang nagpatibay sa kaduda dudang paggastos sa pondo.