Nagbabala si dating Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV sa mga gustong maging pinuno ng bansa, kasunod ng pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng inilabas na warrant ng International Criminal Court.
Ayon kay Trillanes, dapat ay maging aral ang nangyari sa dating pangulo.
Aniya, dapat gamitin ng sinumang magiging lider ng bansa ang kapangyarihan nito para sa ikabubuti at ikauunlad ng mamamayan.
Samantala, umaasa si Trillanes na dadalhin si Duterte sa The Hague Penitentiary Institution o Scheveningen prison matapos maibigay sa ICC.—sa panulat ni John Riz Calata