Iginiit ng Department of Justice na ligal ang pagkakaaresto ni dating pangulong rodrigo duterte.
Sinabi ni Justice Spokesman Mico Clavano na naaayon sa Rome Statute at International Police ang iba’t ibang rules and protocols for arrest na isinagawa kay Duterte.
Binigyang-diin ni Spokesman Clavano na isandaang porsyentong ligal ang pagkakaaresto ng dating pangulo dahil nasunod din ang local rules of arrest.
Nabatid na dinakip si Duterte matapos maglabas ng warrant issue ng International Criminal Court at kalauna’y dinala sa The Hague, The Netherlands upang harapin ang mga kasong may kaugnayan sa drug war ng kanyang administrasyon. —sa panulat ni John Riz Calata