Pinuna ng tiyuhin ni extrajudicial killing victim Kian Delos Santos ang mga nagsasabing nilabag ng International Police ang karapatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos dalhin sa The Hague, The Netherlands para sa posibleng paglilitis kaugnay sa ‘crimes against humanity.’
Ayon kay Randy Delos Santos, napakabigat isipin na tila si Duterte pa ang nagmumukhang biktima at hindi binibigyan ng karapatang pantao.
Ikinumpara ni Delos Santos ang kanyang pamangkin sa dating pangulo kung saan aniya hindi ito binasahan ng miranda rights ngunit ang dating pangulo ay mayroong mahuhusay at edukadong abogado; at binasahan ng karapatan.
Gayunman, nagpapasalamat si Delos Santos dahil malapit nang mapasakamay ng mga biktima ng Duterte administration drug war ang hustisya. —sa panulat ni John Riz Calata