Hindi para sa lahat ang opsyonal na pagsusuot ng facemask.
Sa panayam ng DWIZ, hinimok ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert, ang publiko partikular na ang mga nasa vulnerable sector na magsuot pa rin ng facemask maski sa indoor settings.
Kabilang dito ang mga hindi bakunado, kung ang natanggap na bakuna, mga bata edad lima pababa, mga may edad na, at mga buntis.
Ito ay dahil malakas pa rin ang hawaan lalo na at may mga bagong variant at sub-variant ng COVID-19 na pumasok sa bansa.
Samantala, hinimok naman ni Solante na isagawa ang mga party at gathering sa outdoor places dahil sa mas maayos na bentilasyon na nagreresulta sa mas mababang transmission rate. —sa panulat ni Hannah Oledan