Nagpapasaklolo na sa National Government ang PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry para solusyunan ang araw araw na brownout sa isla ng Boracay
Sinabi ni PCCI Corporate Secretary Elena Blugger na nagpadala na sila ng sulat sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil labis na apektado ang mga negosyo sa isla na itinuturing pa namang gateway ng industriya ng turismo sa lalawigan ng Aklan
Ayon kay Blugger dapat nang maghanap ng alternatibong mapagkukunan tulad ng renewable energy ang mga otoridad para hindi naisasakripisyo ang mga negosyo sa Boracay dahil sa problema sa supply ng kuryente rito
By: Judith Larino