Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS), ang kanilang mga miyembro na regular na inspeksyunin ang kanilang mga kontribusyon sa SSS.
Ayon kay Maria Cecilia Mercado, Head ng Media Liason Team ng SSS, ito ay upang matiyak na ginagampanan ng kanilang employer ang tungkulin nitong ipaghulog sila ng kanilang buwanang kontribusyon.
Binigyang diin ni Mercado na mayroong karampatang parusa laban sa mga employer na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin para sa SSS member.
“Marami nga po ang nagiging problema doon na inihahain sa amin, na hindi sila pinaghuhulog ng kanilang employer, so talagang violation po ‘yun at may karampatang parusa po ‘yun para sa kanila.” Pahayag ni Mercado.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit