Home NATIONAL NEWS 4 milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa mga paliparan sa Undas

Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

by DWIZ 882 January 3, 2023 0 comment
PHIVOLCS SURIGAO

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagyanig dakong ala-6:09 ng umaga at natunton ang episentro nito sa layong 73 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Naitala ang instrumental Intensity III sa Nabunturan, Davao de Oro habang Instrumental Intensity I naman sa Bislig City, Surigao del Sur at Alamada, Cotabato.

Sa kabila nito, sinabi ng PHIVOLCS na wala namang inaasahang aftershocks at pinsala matapos ang pagyanig.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment