Sinimulan na ng Manila Fire District ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Sta. Cruz kagabi.
Ayon kay Arson Investigator Senior Fire Officer Sany Lacuban, kanilang patuloy na inaalam ang sanhi ng nasabing sunog na umabot sa pa task force bravo ang alarma.
Batay sa kanilang paunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog pasado 7:00 ng gabi at naideklarang under control dakong 12:00 na ng madaling araw kanina.
Sa laki ng sunog, kinailangan pang pasukin at lumusod ng mga bumbero sa Manila City Jail para mapigilan ang pagkalat ng apoy habang inilipat naman sa isang covered court ang mga pasyente ng Fabella Hospital para hindi maiwasang ma-suffocate.
Nasa limang sibilyan at isang bumbero naman ang nasugatan sa nasabing sunog.