Binigyan ng military honors ang isang sundalong nawala at natagpuang patay sa Marawi City.
Kinilala ang sundalo na si Private Alejandro Balean, miyembro ng Marine Battalion Landing Team 7 na nakarekober ng milyun-milyong pisong cash at tseke mula sa isang bahay sa lungsod.
Nawala si Balean sa kasagsagan ng giyera sa Marawi noong Hunyo 9 ng nakaraang taon matapos itong mahulog sa Agus River mula sa Mapandi Bridge.
Sa pinakahuling tala ng militar, nasa isang daan at animnapo’t walong (168) tropa ng pamahalaan ang nasawi sa limang buwang bakbakan sa Marawi habang siyamnaraan at pitongpo’t apat (974) naman ang namatay sa panig ng mga terorista.