Bukas si Pangulong Bongbong Marcos na magtayo ng government-owned malls sa Pilipinas.
Ito’y upang i-promote ang Micro, Small and Medium-sized Enterprises at mga lokal na produkto.
Naisip ni Pangulong Marcos ang nasabing ideya makaraang i-tour siya ni Indonesian president Joko Widodo sa isang mall na pinatatakbo ng gobyerno sa Jakarta.
Ayon kay PBBM nais niyang gayahin ang state-owned mall bilang bahagi ng One Town, One Product Program ng Pilipinas para sa mga MSME na layuning isulong ang inclusive local economic growth.
Welcome rin anya kay Widodo ang nasabing panukala lalo’t maraming pagkakahalintulad ang Pilipinas at Indonesia sa karanasan sa MSME.