Hinimok ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaan na bilisan ang pagtatanggal sa mga terminal ng bus sa EDSA.
Sinabi ng senador na ito ay dahil kasama ang mga ito sa nagdudulot ng paninikip sa daloy ng trapiko lalo na tuwing mayroong mag mamaniobra na bus.
Maliban sa pagtatanggal sa mga terminal ng bus, pinamamadali din ni Aquino sa Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority ang mga flood control projects nito.
By: Katrina Valle | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)