Nananatiling sapat ang supply ng kuryente lalo na sa 2022 national elections.
Ito ang tiniyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa gitna ng pangamba ng publiko pagdating sa power supply sa nasabing taon.
Ayon kay Cusi, pinaghahandaan na ng buong energy sector ang ilang scenario na maaaring makaapekto sa energy supply, gaya ng natural gas restrictions, forced outages, maintenance adjustments ng mga planta ng kuryente at demand sa interruptible load program.
May mga partnership din aniya ang gobyerno para makadagdag sa energy supply kabilang na ang kasunduan sa Japan katuwang ang pribadong sektor para sa pag-develop ng liquefied natural gas facilities sa Pilipinas.
Patuloy din ang pag-aaral ng DOE sa paggamit ng nuclear energy at ang posibleng gamit ng hydrogen.— sa panulat ni Drew Nacino