Libo-libong katao ang nag-protesta sa Bangkok, Thailand bilang panawagan sa resignation ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha.
Ang nasabing rally ang pinaka-malaking demonstrasyon ngayong taon sa kabila ng pagbabawal sa mass gathering dahil sa COVID-19 pandemic.
Iginiit ng mga raliyista na babalik sila araw-araw sa kalsada hangga’t hindi bumaba sa pwesto si Prayut.
Inakusahan din ang Punong Ministro at lima niyang cabinet member ng korapsyon, Economic Mismanagement at palpak na COVID response.
Mahigit 1.2 milyon na ang COVID-19 cases sa Thailand kabilang ang nasa 12,100 namatay simula noong isang taon. —sa panulat ni Drew Nacino