Good news sa mga Motorista!
Magpapatupad bukas ng rollback sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, magkakaroon ng P0.40 na bawas sa presyo ng kada litro ng gasoline;
Habang P2.10 naman ang magiging tapyas-presyo sa kada litro ng kerosene; at P2.15 naman sa kada litro ng diesel.
Ipatutupad ng Cleanfuel ang kaparehong rollback sa kanilang produktong petrolyo maliban na lamang sa kerosene.
Epektibo ang price adjustment ng Cleanfuel simula alas-12:01 ng madaling araw ng Martes habang ang Pilipinas Shell ay magpapatupad naman ng rollback simula ala-6 ng umaga.