Tuwing gabi na lamang magsasagawa ng road repair works ang DPWH o Department of Public Works and Highways sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ito’y makaraang magkasundo ang DPWH at ang MMDA o Metro Manila Development Authority upang maibsan ang nararanasang kalbaryo sa trapiko ng mga motorista sa buong maghapon.
Batay sa napagkasunduan, dapat alas-10:00 ng gabi sisimulan ang mga road repair works at dapat itong matapos hanggang alas-5:00 ng umaga kinabukasan.
Kasunod nito, hinimok ng mga ahensya ng gobyerno ang mga contractor na gumamit ng quick dry cement upang mabilis itong madaanan ng mga motorista.
By Jaymark Dagala
Photo: DPWH