5 araw bago ang halalan, inendorso na ng mahigit 1,200 pari, obispo at mga Diyakono ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo at kanyang running mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Pina-aalalahan ng Clergy for the Moral Choice (CMC) ang mga Filipino sa kanilang sagradong tungkulin na bumoto at iboto lamang ang karapat-dapat na mga pinuno ng bansa at piliin ang tunay na servant-leaders na may puso katulad ng isang mabuting pastol.
Ayon kay Bishop Tony Tobias, kung gusto nating umangat ang bansa ay pumili ng maayos na leader, sa halip na mga “lesser evil”.
Inilabas ng mga paring katoliko ang kanilang endorsement, isang araw matapos ang pag-endorso ng religious group na Iglesia ni Cristo sa tandem naman nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.