Opisyal na ring inendorso ng United Church of Christ of the Philippines o U.C.C.P., na pinaka-malaking protestant denomination sa bansa, ang kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa May 9 elections.
Ayon sa Council of Bishops ng U.C.C.P., ang pag-endorso nila sa tambalan nina Robredo at Pangilinan ay resulta ng “collective discernment” matapos ang masusi at taimtim nilang pag-aaral sa lahat ng kasalukuyang opsyon.
Ang endorsement ay nilagdaan ni U.C.C.P. General Secretary Melzar Labuntog, 6 na iba pang obispo at 14 na dating obispo mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Binigyang-diin ng U.C.C.P. na pinili nila sina Robredo at Pangilinan dahil sila ang pinaka-malapit na sumasalamin sa kahulugan ng salita ng Diyos at bilang manipestasyon ng paghahari ng Panginoon.
Inendorso rin ng nabanggit na simbahan ang senatorial candidacy nina Senators Leila De Lima, Risa Hontiveros, dating vice president Jejomar Binay, dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat, dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares;
Human rights lawyer Chel Diokno, Atty. Alex Lacson, labor leaders Luke Espiritu, Sonny Matula at Elmer Labog.