Sinuspinde na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng quarrying sa paligid ng bulkang Mayon.
Ito ay habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kagawaran sa insidente ng pagragasa ng lahar sa isang komunidad sa guinobatan albay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ilang mga quarry operators ang nag-iwan ng kanilang materials sa gitna ng ilog na siyang dahilan ng pag-apaw ng ilog kasama na ang lahar.
Samantala, sinabi naman ni Environment Undersecretary Jonas Leones na aabutin ng hanggang 15 araw bago nila matapos ang imbestigasyon sa insidente.
Aniya, kanilang pag-aaralan ang pinakamainam na rekomendasyon na kanilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.