Lusot na sa kamara ang panukalang bumuo ng Department of Water Resources.
Sa botong 254 at tatlong pagtutol, inaprobahan sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan na gumawa ng DWR para magkaroon ng namamahala sa tubig.
Naniniwala naman si House Speaker Martin Romualdez na kung maisasabatas ang naturang panukala, makakatulong ito sa mga pagbaha sa urban areas, sa pamamagitan ng paglikha ng frameworks para sa stormwater at drainage services.
Matatandaang, nakatala ang naturang panukala sa Legislative-Executive Development Advisory Council na prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. - sa panulat ni Charles Laureta mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)