Tutulak patungong Estados Unidos sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Defense Secretary Voltaire Gazmin, bukas, Enero 12.
Sa isang kalatas ng Department of Foreign Affairs o DFA, makikipagpulong ang dalawang kalihim kina US Secretary of State John Kerry at US Secretary of Defense Ashton Carter sa Washingston.
Ito’y bunsod ng ikalawang 2+2 Philippines-U.S. Ministerial Meeting kung saan inaasahang tatalakayin ang bilateral issues kabilang na ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa usapin ng depensa at seguridad, gayundin ang pag-unlad ng ekonomiya.
Pagpupulungan din umano ng mga kalihim ang regional at global issues na may epekto sa parehong bansa partikular ang gusot sa West Philippine Sea at Global Warming.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco