Ipinaalala ng Department of Health (DOH) na umiiral na ang price cap sa ilang mga pangunahing gamot sa bansa.
Ayon sa DOH, June 2 pa nagkabisa ang executive order ng Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan ang presyo ng may 87 gamot o 133 drug formulas.
Kabilang dito ang mga gamot para sa cancer, hypertension, diabetes, asthma at sakit sa puso.
Ayon kay Dr. Anna Melissa Guerero, hepe ng DOH pharmaceutical division, 35 gamot pa ang target sana nilang masama sa price cap subalit nasuspinde ang kanilang negosasyon sa mga manufacturers dahil sa COVID-19 pandemic.