Payag si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng paunang kasunduan sa suplay, gayundin ng bayad sa mga manufacturers, ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos tanggapin ni Pangulong Duterte ang panukala ni vaccine czar Carlito Galvez.
Ayon kay Roque, kinakailangang pahintulutan ng ang advance na pagbabayad para hindi mapag-iwanan ang Pilipinas sa pagkuha ng bakuna.
Dagdag ni Roque, inaprubahan din ng pangulo ang mungkahing bigyan ng emergency use authorization sa bakuna ang Food and Drug Administration.
Batay sa panukala ni Glavez, maagang papasok ang Pilipinas sa isang kasunduan sa mga pribadong dayuhang developer ng mga bakuna, gayundin ang pagbibigay ng advance na bayad.
Layunin nitong matiyak na makakakuha ng doses ng bakuna ang Pilipinas oras na ganap nang maaprubahan ang paggamit nito sa buong mundo.