Mahigit sa 2 milyong bahay ang nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy.
Ayon sa Dept. of Energy, nasa 11 transmission lines at mahigit sa 2 sub stations ng National Grid Corporation of the Philipines ang nasira sa bagyo at kasalukuyang sumasailalim sa repair.
Agad anilang maibabalik ang suplay ng kuryente sa sandaling maayos ang mga nasirang tramission lines.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Laguna, Batangas, Quezon, Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Masbate, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Leyte, Northern, Eastern at Western Samar at Biliran.