Naniniwala si Senator Grace Poe na mas maraming mga Senador ang nakumbinsi na hindi dapat na tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN.
Ayon kay Poe, tulad ng kanyang naging punto sa pagdinig, kung may violation man ay dapat maparusahan at hindi kanselasyon agad ng prangkisa ang gawin.
Naniniwala ang Senadora na dapat na mabigyan ng permit to operate ang network para magpatuloy ang operasyon nito habang dinidinig pa ang renewal ng kontrata nito.
Umaasa naman si Poe mas mabibigyan ng linaw ang isyu sa oras na maglabas na ng opinyon ang Department of Justice (DOJ) sa isyu.
Sabi niya in a few days ilalabas niya ang opinyon ng Department of Justice, pero sinabi ko na dati pa sa Smart communications, sa PTNT, pagdating na din sa CBCP lahat yan na-extend dahil hindi pa tapos yung pagdinig sa Kongreso,” ani Poe.